Fun Run at Zumba isinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Quezon

 

GEN. LUNA, Quezon – Bilang pag-iingat sa katawan at sa kalusugan ay nagsagawa ng Fun run at Zumba ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo (INC) sa General Luna, Quezon.

Mahigit 200 na miyembro ng Christian Family Organization (CFO) na karamihan ay mga magulang at kabataan ang lumahok sa pagtakbo ng may layong tatlong (3)  kilometro .

Nagsimula ang pagtakbo ng mga kalahok simula sa Monumento ni General Luna sa may bahaging papasok ng Town Proper ng Bayang nabanggit at nagtapos ito sa may Gen. Luna Gabaldon Elementary School na kung saan isinagawa ang Zumba Dance.

(Eagle News Correspondents, Quezon Aloha Naron, Homer Gana at Jerbe Formanes)

This website uses cookies.