Flexible schedule ng state workers, ipinanukala para bawas-traffic

(Eagle News) — Inatasan ng Malacañang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pag-aralan ang panukalang magkaroon ng flexible time sa pagpasok ng mga empleyado ng gobyerno.

Layunin ng panukala na hindi sabaysabay na papapasukin ang mga kawani ng pamahalaan para mabawasan ang volume ng trapiko sa mga pangunahing lungsod ng bansa partikular sa Metro Manila.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na hindi tumitigil ang pamahalaan sa paghahanap ng solusyon kung papaano mapapagaan ang mabigat na daloy ng trapiko lalo na sa peak hours sa pagpasok sa trabaho ng mga empleyado ng gobyerno at pribadong manggagawa.

Ayon kay Abella, umaasa ang Malacañang na magbibigay ng rekomendasyon ang MMDA sa resulta ng gagawing pag-aaral sa panukalang flexible time sa mga kawani ng gobyerno.

Inihayag ni Abella na una nang naglabas ng apat na deriktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa MMDA para mabawasan ang problema ng trapiko: Ang seryosong pagtatanggal sa mga road obstructions, pagpapatupad ng mas malaking multa sa illegal parking, paglabag sa number coding at pagsasampa sa mga barangay chairman na hindi tumatalima sa pagtatanggal ng mga ilegal terminals at parkings sa kanilang nasasakupan.

Related Post

This website uses cookies.