Felix Manalo movie pinanuod ng mga inmate sa Bataan Jail Management and Penology

BALANGA, Bataan — Nagsagawa ng video presentation ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa lokal ng Balanga sa loob ng Bataan Jail Management and Penology sa Capitol sa siyudad ng Balanga sa Pahintulot ni Warden Jail Superintendent Clarence E. Mayangao.

Ipinalabas ang pelikulang Felix Manalo sa loob ng nasabing piitan, kung saan ay nakapagbigay naman ito ng kagalakan at nagkaroon ng inspirasiyon ang mga nakapanood. Ayon sa kanila ay malaking tulong ito para malaman nila ang pagsisinula ng Iglesia ni Cristo at kaung paano ito nagsimula. At kung bakit kinikilala ng mga kaanib ng Iglesi ni Cristo si Bro. Felix Manalo bilang Sugo ng Diyos sa mga huling Araw.

(Eagle News Service Richard Salvador at Josie Martinez – Bataan Correspondents)

 

 

 

This website uses cookies.