(Eagle News) — Pinakukumpiska ng Food and Drug Administration (FDA) ang lahat ng mga ‘di rehistradong produktong “lambanog”.
Kasunod ito ng pangyayari kung saan namatay ang walo katao matapos na umano’y uminom ng lambanog.
Ayon sa FDA, patuloy nilang mino-monitor ang bentahan ng nasabing lambanog at kanilang kukumpiskahin oras na may mahuling patuloy na ibinibenta ito sa publiko.
Ang nasabing lambanog na ininom ng walo kataong namatay ay ‘hindi umano rehistrado sa FDA.
Una nang nakitaan ng mataas na lebel ng methanol ang nakuhang sample ng nasabing lambanog sa Luisana, Sta. Rosa at Calamba, Laguna, maging sa Antipolo at Tarlac na pinaniniwalaang naging dahilan ng kamatayan ng mga indibidwal na uminom ng lambanog.