EVM Cup Finals isinagawa sa Bulacan North

EVM Cup Finals ng Distrito ng Bulacan North isinagawa sa Baliuag Gymnasium noong Mayo 25, 2016. Pinangunahan ito ng kanilang District Supervising Minister na si Bro. Bendito B. Sandoval katuwang ang iba pang mga ministro (District Staff).

Nakiisa ang maraming kaanib sa Iglesia ni Cristo sa distritong ito. Ang bawat manlalaro ay nagpaligsahan bago nakarating sa finals pero ang kagalakan ay siyang labis na naramdaman ng bawat isa na sumali sa nasabing aktibidad.

Pinatunayan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa lalawigang ito na sila ay mga tunay na atleta sa paraang ibinuhos nila ang kanilang angking galing at husay sa paglalaro. Bagaman at gitgitan ang laban sa mga laro ay napanatili nila ang kahinahunan at nagagawa pang magbiruan ang mga magkakalaban na teams sa panahon ng kanilang paglalaro.

(Eagle News Service Jun Duruin – Baliuag, Bulacan)
Related Post

This website uses cookies.