EVM Cup at Unity Games isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Cagayan

TUGUEGARAO City, Cagayan (Eagle News) – Napuno ng kasiyahan ang isinagawang EVM Cup at Unity Games ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Cagayan. Isinagawa  ito sa Mamba Gymnasium, Tuguegarao City noong Sabado, September 3.

Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na mula pa sa iba’t-ibang lokal na sakop ng Distrito ng Cagayan South.

Ang mga palaro naman ay masigla ring nilahukan ng mga kaanib ng INC na kinapalolooban ng mga sumusunod:

  1. Track and  Field
  2. Basketball
  3. Volley Ball
  4. Baseball
  5. Board Games
  6. Badmenton

Mayroon ding pagtatanghal ng mga kabataang Iglesia ni Cristo bilang intermission number. Nagsimula ang aktibidad sa ganap na 8:00 ng umaga at natapos ng 7:00 ng gabi.

Courtesy: Eman Dela Cruz – Tuguegarao City Correspondent

This website uses cookies.