EVM awards, isinagawa sa distrito ng Visayas

Eagle News — Isinasagawa ang regional  Excellence in Visual Media (EVM) awards sa Waterfront Hotel sa Cebu City distrito ng Visayas.

Ang EVM awards ay ang pagbibigay ng pagkilala sa husay at naging partisipasyon ng mga lumahok sa INCinema, isang proyektong inilunsad ng tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang kapatid na Eduardo V. Manalo.

Pangunahing layunin ng INCinema, na patuloy na mai-promote ang “christian values”sa pamamagitan ng mga pelikulang binuo ng mga bagong film makers.

Ang INCinema ay nagsisilbi ring behikulo ng mga baguhang film makers at mga artista upang ma-develop ang kanilang angking talento.

Eagle News Service.

Related Post

This website uses cookies.