EU magbibigay ng P34M ayuda sa mga biktima ng bagyong “Vinta”

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nasa 570,000 Euro o halos Php 34 milyon ang ibinigay na pledge ng European Union (EU) para sa mga nabiktima ng bagyong Vinta.

Sinabi ng EU na ang naturang pondo ay para makatulong sa relief efforts at mabigyan ng pangunahing pangangailangan ang mga pamilyang naapektuhan ng naturang bagyo.

Kasabay nito ay nagpahayag rin ang EU ng pakikiramay sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pananalasa ng bagyong Vinta.

Kabilang sa paglalanaan ng pondo mula sa EU ang emergency shelter, mga pangunahing gamit sa loob ng bahay, malinis na tubig, at hygiene kits. (Eagle News Service)

 

Related Post

This website uses cookies.