ERC, ikinokonsidera ang paglalagay ng standards sa pagsasara ng power plants

(Eagle News) — Ikinokonsidera na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang paglalagay ng standards sa biglaang pagsasara ng mga power plant para matiyak ang sapat na suplay ng kuryente.

Kaugnay nito, hiniling ng Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) sa ERC na kung maaari ay bilangin ng ahensya ang trip off sa mga planta ng kuryente kung at gaano kalaki ang kuryenteng nawala sa mga consumer.

Anila, mayroong Reliability Council ang ibang mga bansa gaya ng Estados Unidos para anila matiyak ang mahusay na pagpapatakbo ng planta habang pinapatawan naman ng multa ang mga operator na may mahinang performance.

Related Post

This website uses cookies.