Epekto ng polusyon sa Boracay, sisiyasatin ng Senado

(Eagle News) – Iimbestigahan ng Committees on Environment and Natural Resources gayundin ng Tourism and Finance ang epektong dulot ng polusyon sa isla ng Boracay sa ika-dalawa ng Marso.

Una rito, sinabi ni Environment Committee Chairman Cynthia Villar na magsasagawa muna sila ng pag-iinspeksyon sa lugar para personal na makita ang kasalukuyang sitwasyon doon.

Kabilang sa mga makakasama ni Sen. Villar ay sina Sen. Nancy Binay at Sen. Loren Legarda maging sina Sen. Sonny Angara, Sen JV Ejercito at Sen. Richard Gordon.

Aminado si Villar na laging nagkakaroon aniya ng problema sa pagpapatupad ng mga umiiral na batas hinggil sa kalikasan kaya titingnan nila ang mga kinakailangang  amendment dito.

Related Post

This website uses cookies.