Enhanced Community Quarantine sa Himamaylan City, Negros Occidental: Zero COVID-19 case napanatili

 

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines (Eagle News) – Nagtalaga ng mga checkpoint ang siyudad ng Himamaylan sa Negros Occidental sa bawat pasukan ng 19 barangay na sakop nito, para tugunan ang enhanced community quarantine na pinatutupad  sa buong probinsya ng Negros Occidental.

Mahigpit na pinatupad nila ang quarantine pass sa bawat sambahayan kung saan ay isa lamang ang pwedeng makalabas ng tahanan ng pwedeng mamili ng mga pangangailangan. Wala ding mga pampasaherong sasakyan na makikita sa daan. Kailangan din na nakasuot ng face mask ang bawat lalabas ng tahanan. Sa kasalukuyan ay wala pang naitalang nagpositibo sa siyudad.

(Josephine Guara, Eagle News Service correspondent in Negros Occidental)

Related Post

This website uses cookies.