Ekonomiya sa Jolo, pinangangambahang maparalisa dahil sa nangyaring pagsabog ng bomba

(Eagle News) — Nangangamba ngayon ang mga negosyante dito sa bayan ng Jolo na sentro ng kalakalan ng Sulu na baka maparalisa ang ekonomiya ng bayan dahil sa ipinatutupad na locked down ng Armed Froces of the Philippines at ng Philippine National Police.

Ayon sa isang negosyante na tumanggi ng mabigay ng kaniyang pangalan, pinagbabawalan muna nang mga otoridad na makapasok ang mga tao sa sentro ng Jolo dahil sa takot na may iba pang improvised explosive device na naitanim ang mga suspek, bago lisanin ang lugar matapos mapasabog ng mga ito ang dalawang bomba sa loob at labas ng simbahan.

Bantay-sarado ang pulis at sundalo sa lugar habang ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal ay nangangalap pa ng mga ebidensiya na gagamitin sa kanilang imbestigasyon. (Eagle News Sulu Bureau Ely Dumaboc)

This website uses cookies.