Edward Benosa magkakaroon ng stage birthday concert sa April 16

Sa kaniyang pagbisita sa Pinas Fm at Letters and Music ay nagkaroon tayo ng pagkakataon na makapanayam at mapakinggan ang kaniyang mga awiting talaga naman nakakapangharana sa atin. At sa kaniyang pagbisita ay malugod tayong inaanyayahan ng nag-iisang “Romantic Pop Balladeer” na walang iba kundi si Edward Benosa sa kaniyang first ever concert na pinamagatang “ EB Most Requested” ito ay sa darating na Abril 16, 2016 sa ganap na 8:00 ng gabi sa Teatrino Promenade Greenhills San Juan.

Kaya sa mga nagnanais na kiligin at mapakinggan ang kaniyang mga awitin tulad ng “Di Man Lang Nagpaalam”, “Iingatan Ko” at “Puso Kong ito”. Tara na’t samahan natin siya sa isang natatanging araw niya upang handugan tayo ng mga awiting na magpapatibok at magpapasaya sa ating puso.

Maraming salamat Edward Benosa sa muling pagbisita sa nag-iisang OPM ng bansa ang Pinas FM 95.5 mas Masaya dito!

(written by Lovely Ann Cruz, Edited by Mary Rose Faith Bonalos)

This website uses cookies.