(Eagle News) — Nagbabala ang environmental watchdog na EcoWaste Coalition laban sa pagbili ng mga laruan na nagtataglay ng lead content.
Ang mga laruan ang isa sa mga madalas ipanregalo ngayong holiday season para sa mga bata.
Sa pagsusuri ng EcoWaste sa toxicity levels ng isangdaang laruan, lumabas na tatlumpu’t dalawa sa mga ito ang may mataas na lead content at walang label.
Habang pitumpu’t pito ang walang nakalagay na impormasyon patungkol sa manufacturer o distributor at pitumpu’t lima ang walang license to operate number.
Ang mga laruan na may mataas na lebel ng lead ay kadalasan na makukulay at ang pintura ay madaling matanggal.
Ayon sa isang health expert, hindi lamang sa dugo ng tao nakaka-apekto ang lead kundi maging sa memorya.