DTI, inabisuhan ang publiko na maging wais sa pamimili

(Eagle News) — Nag-abiso sa publiko ang Department of Trade and Industry (DTI) na maging mapanuri at wais sa pamimili lalo na ngayong holiday season.

Nagbigay ng payo si DTI Secretary Ramon Lopez sa mga konsyumer na bumili ng mas murang brands ng iba’t ibang pagkain.

Aniya, kapag naramdaman ng mga kumpanyang may mataas na presyo ng mga produkto ay magbababa rin ang mga ito kalaunan.

Batay sa ulat, tumaas na sa Php 20.00 hanggang Php 40.00 ang kada kilo ng hamon sa ilang pamilihan.

Giit nito, mayroong suki ang ilang mamahaling brands kung kayat hindi nito iniinda ang pagtataas ng presyo ng kanilang mga produkto.

Sinabi pa ni Lopez na dapat nang asahan ang pagtaas nito habang papalapit ang holiday season.

Related Post

This website uses cookies.