Drug Awareness Seminar isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Real, Quezon

REAL, Quezon (Eagle News) – Maraming magulang at mga kabataan ang nakinabang sa isinagawang Drug Awareness Seminar ng Iglesia Ni Cristo sa Real, Quezon.

Itinuro ng mga kinatawan ng Philippine National Police ang masamang dulot ng paggamit ng anumang ipinagbabawal na gamot at maging ang mga kasong kasasangkutan ng mga gagamit nito.

Isinasgawa ang ganitong uri ng seminar upang lalong makaiwas ang lahat sa bawal na gamot at upang matulong na rin sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga.

(with Reports from Josh Sarmiento and Nice Gurango)

Related Post

This website uses cookies.