MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinatitiyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tatapusin nila ang pagpapatayo ng initial housing projects sa Marawi City.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, nasa 500 mga housing unit ang target ng ahensiya na tapusin ngayong buwan ng Disyembre.
Aniya, mayroong short-term at long-term plans ang DPWH para sa pagbangon ng Marawi na winasak ng ilang buwang bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute terror group.
Binabalangkas na rin aniya ngayon ng ahensiya ang road network at master plan para sa nasabing lungsod.