DOST nanawagan sa sambayanan na lumahok sa serye ng earthquake drill

(Eagle News) — Bagamat itinuturing na isang major earthquake ang 7.2 magnitude na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental noong Sabado, hindi ito gaanong kalakasan dahil nangyari ang pagyanig sa karagatan.

Ayon kay Undersecretary for Disaster Risk Reduction and Climate Change of the Philippines Department of Science and Technology (DOST) Renato Solidum, nangyari ang pagyanig ng lindol may 170 kilometers southeast ng Governor Generoso at naramdaman din ito sa bahagi ng Mati, Davao Oriental at General Santos City na may lakas na magnitude 4.

Wala ring mga pinsala o kasiraan ang naitala at hindi bababa sa isang metro ang naging pagtaas ng tubig sa karagatan at nasa sampung sentimetro lamang ang tsunaming naidulot ng lindol.

Nakapagtala naman ng maraming serye ng aftershocks.

Kasabay nito, pinaghahanda ni Solidum ang sambayanan lalo na ang bawat lokal na pamahalaan sa 8.0 magnitude na lindol na posibleng tumama sa bansa na tinaguriang “The Big One.”

Isa na aniya rito ay ang pagtatayo ng alternative government center sa the new Clark City sa Tarlac.

Maaaring mangyari ang malakas na lindol sa mga lalawigan hindi lamang sa Metro Manila.

“Importante talaga na ang mga tao ay magparticipate sa community-based preparedness. Yung ating kailangang maalala pagdating sa lindol, bagyo at pag-ulan. So, ang tanong po dapat natin, ano yung magiging epekto ng mga ito sa ating komunidad at sa ating pamilya at kung ano yung magiging solusyon na dapat nating gawin. Ang Pilipinas ay isa sa mga lugar na parating dinaraanan ng mga panganib at kailangang paghandaan talaga,” ayon kay Solidum.

Related Post

This website uses cookies.