(Eagle News ) — Tinanggal na ang deployment ban ng mga Filipinong manggagawa sa Federated state of Micronesia.
Sa resolusyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), maaari na muling magpadala ng mga Filipino worker doon sa rekomendasyon na rin ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Una nang ipinag-utos ang deployment ban doon makaraang makatanggap ng ulat na hindi napapasuweldo ang Filipino health workers sa Chuuk State.
Kinumpirma ng DOLE na hindi totoo ang nasabing ulat at natatanggap naman raw ng mga manggagawa roon ang kanilang sahod.
Sa kabilang banda, tuloy ang total deployment ban sa Libya kung saan nakataas ang Alert 3 bunsod na rin sa isyu ng seguridad roon.