Dental Health Bus, aarangkada na sa San Jose City, Nueva Ecija

San Jose City, Nueva Ecija — Tumanggap ng Dental Health Bus mula sa Department of Health (DOH) ang San Jose City sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon sa Public Information Office, isa ang Lungsod sa 100 na Bayan sa buong Pilipinas ang nagkapalad na napagkalooban nito. Isinagawa ang ribbon cutting ceremony sa pangunguna ni Mayor Marivic Belena at inagurasyon na rin ng naturang bus kasama ang mga empleyado sa bakuran ng Pamahalaang Lungsod.

Ang Dental Health Bus ay may dalawang dental chair at mga bagong dental equipment upang mapagkalooban ng maayos na serbisyo ang mga mamamayan na mangangailangan ng dental health care.

Ayon kay Regional Health Unit four Dentist, Dr. Rina Pabilonia, layunin ng Dental Health Bus na lalong mapataas ang kalidad ng serbisyong pang-dental para sa mga mamamayan.

Unang iikot and Dental Health Bus sa mga eskwelahan at pagkatapos nito ay isusunod ang mga Barangay.

(Eagle News, Ella D. Reyes, Emil Baltazar – Nueva Ecija Correspondent)

 

Related Post

This website uses cookies.