Davao Oriental, niyanig ng magnitude 3.9 na lindol

(Eagle News) — Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bayan ng Baculin sa Davao Oriental.

Ayons a Philippine Institute for Volcanology and Seismology, naganap ang pagyanig kaninang 1:15 ng madaling araw.

Naitala ang epicenter nito mga 33 kilometro sa norte ng Baculin.

Ayon sa PHIVOLCS, 40 kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.

Kagabi tumama ang magnitude 4.0 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental.

Naitala ang pagyanig sa 362 kilometro timog ng Sarangani alas 11:34 ng gabi.

This website uses cookies.