Davao City tahimik na matapos ang pagsabog noong Biyernes ng gabi

DAVAO City (Eagle News) – Tahimik na ngayon ang Davao City matapos sumabog ang isang bomba pasado 10:30 ng gabi noong Biyernes, September 2 sa “massage area” ng Roxas Avenue night market. Nasa labing-anim (16) na ang patay habang walumpu’t tatlo (83 ) katao naman ang sugatan sa nasabing pagsabog.

Noong Sabado ng madaling araw, September 3 ay nag-deklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng “state of lawlessness” at ito umano ay hindi isang “Martial Law” kundi mas maraming pagkilos ang isasagawa ng militar at police na mananatili hangga’t nagdesisyon siya na ang lahat ay ligtas nang muli.

Aniya, locked down ngayon ang lungsod at maraming checkpoints ang inilagay na sa iba’t-ibang dako ng Davao.

Ayon kay National Defense Secretary Delfin Lorenzana, maaari lamang umano nilang ipalagay na ito ay kagagawan ng mga teroristang grupo ng Abu Sayyaf na pinagdudusahan ang mabigat na casualties sa Jolo sa nakalipas na linggo.

Nanawagan naman ang Philippine Red Cross – Davao Chapter, sa mga nais mag donate ng dugo upang matulungan ang mga biktima. Maaari silang mag-iwan ng numero upang magsilbing “on call” o “standby blood donor” at maaari rin maging walk-in blood donor sa kanilang blood center dito sa Davao.

Nangako naman si Davao City Mayor Inday Sara Duterte na tutulungan ng City Government ng Davao ang lahat ng mga naging biktima sa kanilang pangangailangan sa ospital, burial, funeral at sa pang araw-araw na mga gastusin.

Paalala naman ni Presidential spokesman Ernesto Abella sa lahat ng dadaan sa checkpoints na sumunod sa “checkpoint requirements” kasama na dito ang pagpatay ng headlights, internal lights, rolling down windows at ihanda ang mga identification document.

Samantala, patuloy ang pagkalat ng mg balitang muling may mga pagsabog na magaganap. Nanawagan naman ang awtoridad sa lahat na manatiling kalmado, alerto at bigilante at makipagtulungan sa lahat ng security forces.

Saylan Wens at Haydee Jipolan – Davao City Correspondent

Related Post

This website uses cookies.