Dalawang miyembro ng SAF 44, gagawaran ng medal of valor

Gagagawaran ng medal of valor award ang dalawang miyembro ng Special Action Force na nasawi noon sa bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay Communications Secretary Manuel Quezon the Third, inaprubahan ang posthumous conferment kina Senior Inspector Gednat Tabdi at P-O-2 Romeo Cempron.

Si Tabdi ay miyembro ng 84th Special Action Company nang isagawa ang operasyon para hulihin ang teroristang si Basit Usman at Zulkifli Binhir alyas Marwan.

Sinasabing sugatan na ito habang nagkakabakbakan subalit nagawa pa rin ng kanyang team na matapos ang misyon.

Habang isinakripisyo ni Cempron ang kanyang sarili bilang human shield para mailigtas ang iba nitong kasamahan.

Bibigyan naman ng medalya ng kabayanihan ang iba pang miyembro ng SAF-44. (Eagle News Service)

Related Post

This website uses cookies.