Dalawang magkahiwalay na aberya ng MRT-3, maagang naranasan ng mga pasahero

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Aabot sa siyam na raang (900) pasahero ang maagang naapektuhan ng aberya sa Metro Rail Transit (MRT)-3 matapos ang dalawang magkahiwalay na technical problems.

Nangyari ang unang aberya pasado alas-singko ng umaga sa GMA-Kamuning station dahil sa electrical failure sa kanilang motor, kung saan tinatayang nasa tatlong daang pasahero ang naapektuhan.

Gayunman, agad namang nakasakay ang mga ito sa sumunod na biyahe ng tren.

Samantala, makalipas ang halos isang oras, alas-sais kwarenta’y uno ng umaga (6:41 AM) ay muling naranasan ang technical problem sa Boni Avenue Station matapos na mag-malfunction ang automatic train protection o signaling system.

Apektado naman dito ang nasa animnaraang (600) pasahero na kaagad ding nakasakay makalipas ang 10 minuto.

Sa ngayon, nasa labing dalawang (12) tren ng MRT ang patuloy na nasasakyan ng mga pasahero.

Related Post

This website uses cookies.