Dalawang bihag na sundalo, pinalaya ng NPA

(Eagle News) — Pinalaya na ng New People’s Army (NPA), ang dalawang sundalo na kanilang binihag noong February 2.  Ayon kay Sergeant  Solaiman Calocop at  Private First Classsamuel Garay, sa isang lugar sa Davao Del Sur pinalaya ang dalawang binihag na sundalo.

Ang dalawang miyembro aniya ng  39th Infantry Battalion ay sinundo ng Crisis Management Committee na pinangunahan ng Mayor at Vice Mayor ng bayan ng Colombio sa Sultan Kudarat.

Saa isang pahayag, sinabi naman ni sultan Kudarat Police Provincial Office Director Sr. Supt. Raul Supiter ang napalayang dalawang sundalo ay kasalukuyang nasa bayan na ng Colombio at muli nang nakita at nakasama ang kani-kaniyang pamilya.

Batay pa sa ulat, nasa maayos naman ang kalusugan ng dalawang sundalo.

Isasailalim din ang dalawa sa ‘de-briefing’ at dadalhin sa kani-kaniyang kinabibilangang batallion bago pauwiin sa kanilang pamilya.

Nagpasalamat naman ang pamilya ng dalawang sundalo sa NPA dahil hindi sila sinaktan bagamat binihag ang mga ito.

Related Post

This website uses cookies.