Dalawang armadong lalaki, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Molave, Zamboanga del Sur

Ang dalawang suspek na sina Fernando Villas Limbaga at alyas “Roy” na napatay ng awtoridad nang ang mga ito ay nagtangkang lumaban umano (Photos c/o Molave PNP)

Ni Ferdinand C. Libor Jr.
Eagle News Service

MOLAVE, Zamboanga del Sur – Patay ang dalawang lalaki na may dalang granada at baril matapos manlaban umano sa mga pulis sa pinagsanib Zamboanga del Sur noong Martes, Disyembre 26.

Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Fernando Villas Limbaga at isang alyas “Roy”, na pawang mga residente ng nasabing bayan.

Sa ulat ng Philippine National Police-Molave may nag-text sa kanila na isang concerned citizen na may dalawang kadu-dudang lalaki na mayroong dalang baril.

Kaya agad namang nagsagawa ng operasyon ang awtoridad laban sa mga suspek.

Pagdating ng mga suspek sa Mabini Street sa Barangay Poblacion ay pinapahinto ito ng mga pulisya para sitahin.

Sa halip na huminto ay mabilis umanong bumunot ng baril ang backrider nito na si Limbaga at pinaputukan ang mga pulis na humarang sa kanila.

Nakipagpalitan umano ng putok ang mga suspek ng ilang minuto.

Agad naman prinoseso ng Scene of the Crime Operatives ang naturang crime scene kung saan nakuha dito ang isang granada at isang kalibre 45 na baril.

Hinala ng pulisya, ang dalawang suspek ay posibleng responsable sa ilang insidente ng hold-up at robbery sa nasabing bayan.

Related Post

This website uses cookies.