Dahil sa patuloy na pag-ulan, pagbaha nararanasan na sa Bataan

BATAAN (Eagle News) – Nakararanas na ng baha ang Barangay Almacen, Hermosa, Bataan dahil sa magdamag na pag-ulan na sinabayan pa ng high tide.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa tuhod ang tubig. Bagamat ang pagtaas ng tubig ay karaniwan na sa mga nakatira sa Brgy. Almacen dahil sa ito ay pinakamababang lugar sa  Bayan ng Hermosa. Patuloy namang nakaalerto ang Pamahalaang Lokal sa anumang maaring maging pinsala ng ulan sa nasabing barangay.

Sa bayan naman ng Orani, ideneklara na ni Mayor Efren Pascual, Jr. na suspendido na ang klase mula pre-school hanggang senior high school dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng habagat.

Courtesy: Dhanielyn Canlas Punzalan – Bataaan Correspondent

Related Post

This website uses cookies.