(Eagle News) — Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi na nag-i-import ang Pilipinas ng karne ng baboy mula sa walong bansa na apektado ng African swine flu.
Ang pagtitiyak ng DA ay sa gitna ng pangamba ng ilang hog industry stakeholders.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ang frozen, processed at nalutong karne ng baboy mula sa China , Belgium, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine ay hindi na pinapayagan na makapasok sa mga pamilihan sa bansa.
Ang ilang hog industry stakeholders’ ay nangangamba na baka makapasok ang swine flu sa bansa.
Pero pagtitiyak ng kalihim, mula pa noong Agosto 2018 ay may inilatag ng protocols ang gobyerno para mapigilan ang pagpasok ng swine flu sa bansa.