Comelec, makikipagtulungan sa kampo ni Marcos

Comelec Chairman Andres Bautista

(Eagle News) — Tiniyak ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na makikipagtulungan sila kay Senador Ferdinand Marcos, Jr., sa paghahain nito ng electoral protest kaugnay sa resulta ng labanan sa pagka-bise presidente sa nakaraan halalan.

Una nang hiniling ng kampo ni Marcos sa Comelec na tiyakin ang preservation at seguridad ng lahat ng servers at iba pang IT-related equipment na ginamit sa eleksyon para anila sa plano nilang pagsasampa ng electoral protest sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Samantala, mayroong hanggang Hunyo 29 ang senador para maghain ng electoral protest sa PET.

Binubuo ang PET ng mga mahistrado ng Korte Suprema.

Related Post

This website uses cookies.