Clean-up drive sa Sorsogon City, pinangunahan ng SCAN International

SORSOGON City (Eagle News) – Sa pangunguna ng mga miyembro ng Society of Communicator and Networkers (SCAN) International sa Sorsogon ay naisagawa ang clean-up drive sa Pier ng Sorsogon City.

Masigla rin itong nilahukan ng mga kaanib at maytungkulin sa Iglesia ni Cristo sa Distrito ng Sorsogon.

Nasaksihan ang nasabing aktibidad ni Sorsogon City Mayor Sally A. Lee. Nakita ng alkalde ang pagkakaisa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo habang isinasagawa ang aktibidad.Ang ganitong kilusan aniya ay magbibigay ng mabuting halimbawa sa iba upang ipagmalasakit ang ating kapaligiran.

Labis naman ang pagpapasalamat ng mga kaanib ng INC sa Sorsogon sa kanilang District Supervising Minister Brother Macleo V. Ibasco dahil pinangunahan sila sa ganitong aktibidad na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kalikasan.

Nagpasalamat din sila kay Bro. Eduardo V. Manalo, INC Executive Minister, sa patuloy nitong pagmamalasakit sa bawat miyembro ng SCAN.

Courtesy: Jomelyn Dador – Sorsogon City Correspondent

Related Post

This website uses cookies.