Clean up drive isinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo, Bislig City, Surigao del Sur

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Maagap ang naging pagtugon ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa isinagawang clean up drive sa Bislig City, Surigao del Sur. Pinangunahan ito ni Bro. Eugenio Capanpan, Jr, District Minister ng nasabing lalawigan.  Buong kasiglahan naman na nakiisa ang mga miyembro ng INC sa nasabing aktibidad na mula pa sa iba’t ibang lugar ng Surigao del Sur.
Maaga pa lang ngayong araw ng Biyernes, November 4, ay tinungo na nila ang Baywalk ng Bislig City kung saan isasagawa ang clean up drive. Ang mga nakiisa ay may dalang sariling gamit panglinis. Ang ganitong aktibidad ng INC ay bilang pagtugon nila sa panawagan ng kanilang namamahala kaugnay sa environmental conservation.
Nagsilbing friends and family bonding na rin ito ng magpapamilya at magkakaibigan. Bakas sa mga mukha ng dumalo ang kasiyahan.

Issay Daylisan – EBC Correspondent, Bislig City, Surigao del Sur

Related Post

This website uses cookies.