Clean up drive inilunsad sa Orani, Bataan

ORANI, Bataan (Eagle News) – Inilunsad sa bayan ng Orani, Bataan ang clean-up drive kaalinsabay ng ika-120 anibersayo nito. Pinangunahan ito ni Mayor Efren Bonjong Pascual, Jr. at ni Vice Mayor Godofredo Galicia, Jr. Kasama rin nila ang Sanguniang Bayan Members at sa pakikipagtulungan naman ng Municipal employees, national Agencies, mga estudyante, senior citizens at mga Non-government Organizations.

Nagtulong-tulong ang mga dumalo sa paglilinis sa paligid ng Munisipyo at karatig Barangay. Ayon kay Mayor Bonjong Pascual kung ang mga mamamayan ay magtutulong na mapanatiling malinis, maganda at maayos ang pamayanan sa pamamagitan ng disiplina. Sa tamang pagtatapon ng basura mabibigyan ng pagkakataon na maisakatuparan ang vision ng Orani sa taong 2020 na isa sa maging top 5 destination sa larangan ng ecotourism sa Central Luzon.

Dhanielyn Canlas Punzalan – EBC Correspondent, Bataan

Related Post

This website uses cookies.