Carrascal-PNP ng Surigao del Sur nagsagawa ng school visitation

CARRASCAL, Surigao Del Sur (Eagle News) – Patuloy ang pagsasagawa ng school visitation ng Philippine National Police (PNP-Carrascal) sa pangunguna ni PSI James Allen Dogao. Ang isa sa huli nilang binisita ay ang Carrascal Central Elementary School.

Sa kanilang pagbisita ay tinalakay nila sa mga mag-aaral ang ukol sa masamang ibubunga ng pagkagumon sa alak at iligal na droga. Hindi lamang aniya sa kaisipan at katawan kundi maging sa kinabukasan ng sinoman.

Ang pagtalakay nila ay tinawag na Drug Abuse Resistance Education (DARE). Pangunahing layunin nito ay upang masugpo ang suliranin tungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad na makipagkooperasyon ang publiko sa mga proyekto ng gobyerno kontra iligal na droga.

Dennis Revelo – EBC Correspondent, Surigao del Sur

 

Related Post

This website uses cookies.