BPO, nananatiling highest job generator sa 2017 – PhilJobNet

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nananatili pa rin ang Business Process Outsourcing (BPO) industry na pinakamalaking job generator ngayong 2017.

Ayon sa PhilJobNet, halos nasa 140,000 job vacancies ang naitala mula sa BPO industry  ngayong taon.

Nanguna sa listahan ng job openings ang posisyon na call center agent kung saan naitala ang pinakamataas na job vacancies mula Agosto hanggang Setyembre. Ito ay umabot sa 21,986 at 21,858.

Nasa kabuuang 133,300 call center agent positions ang naitala ng PhilJobNet mula Enero hanggang Disyembre ngayong taon.

Related Post

This website uses cookies.