Boracay, pasok sa Asia’s Top 10 Islands

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Pasok ang isla ng Boracay bilang isa sa Asia’s Top 10 Islands ng 2017 Travelers Choice Awards.

Sa report na ipinalabas ng isang sikat na travel site, nasa ika-pitong puwesto sa listahan ang Boracay habang nanguna naman ang Bali, Indonesia.

Sinundan ito ng Phuket Island, Ko Samul at Koh Tao na pawang matatagpuan sa Thailand.

Pasok sa pang-limang puwesto ang Lomok sa West Nusa Tenggara sa Indonesia.

Kabilang pa sa mga nakasama sa listahan ang Gili Trawangan sa Gili Islands, Indonesia; Langkawi, Malaysia; Havelock Island sa Andaman and Nicobar Islands; at Taketomicho Iriomote-Jima sa Yaeyama-Gun, Japan.

Related Post

This website uses cookies.