Blood letting pinangunahan ng kapulisan sa Tandag City, Surigao del Sur

TANDAG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng Blood Letting Activity ang mga personnel ng Tandag City Police Station sa pangunguna ni PSInsp Darwin Yu at sa pakikipagtulungan ng Adela Serra Ty Memorial Medical Center Laboratory Personnel.

Ang nasabing aktibidad ay bilang suporta at pagtugon sa panawagan ng Department of Health (DOH) ukol sa National Voluntary Service Program na may temang “Dugo Mo, Buhay Ko”. Layunin din nito na matulungan ang publiko sa mga emergency na pangangailangan ng dugo.

Dennis Revelo – EBC Correspondent, Surigao Del Sur

Related Post

This website uses cookies.