Blood donation, isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Ilocos Sur

SAN ESTEBAN, Ilocos Sur (Eagle News) — Nagsagawa ng blood donation ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Ilocos Sur nitong araw ng Martes, ika-16 ng Mayo.

Mahigit 60, o 65 bags ng dugo, ang nakuha sa aktibidad na isinagawa sa bayan ng San Esteban, sa covered court ng San Esteban Farmers Plaza.

Umaabot sa 29,250 cc ng dugo ang nakalap sa kabuuan.

Ayon sa mga pinuno ng Ilocos Sur Provincial Hospital, malaking tulong ang nakalap na dugo sa mamamayan na nangangailangan nito upang gumaling sa karamdaman at madugtungan pa ang kanilang buhay.

(Eagle News Correspondent Noel Pangan)

Related Post

This website uses cookies.