Blood donation activity isinagawa sa Taytay, Palawan

TAYTAY, Palawan (Eagle News) – Nagsagawa ng blood letting ang Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Dan Del Rosario at sa pakikipagtulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management. Isinagawa ito sa  Floor Annex Building ng munisipyo ng Taytay noong Huwebes, March 30. Unang nagpakuha ng dugo ang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa nasabing bayan.

Hinikayat din ang mga Punong Barangay ng Taytay na ikampanya ito sa kanilang nasasakupan na ang may mga kakayahan na mag-donate ng dugo. Sa pamamagitan aniya nito ay makatulong sa mga nangangailangan ng dugo at makasagip ng buhay.

Rox Montallana at Cristine Guimayen – EBC Correspondents, Palawan

 

Related Post

This website uses cookies.