Birthday gift-giving para sa mga senior citizen, sinimulan na

DINGALAN, Aurora (Eagle News) – Sinimulan na noong Martes, Enero 31 ang pamamahagi ng regalo ng lokal na Pamahalaan ng Dingalan, Aurora para sa mga Senior Citizen sa bawat Brgy. sa buong bayan.

Ang ganitong paglingap sa kanila ay nakatakdang isagawa tuwing matatapos ang bawat buwan para sa lahat ng magdiriwang ng kaarawan na Senior Citizen. Ang mga regalo ay mula sa I.R.A. ng bayan at sa pakikipagtulungan ng DSWD.

Tuwang-tuwa naman ang mga lolo at lola dahil nagunita sila ng lokal na Pamahalaan.

Eman Celestino – EBC Correspondent, Dingalan, Aurora

(Photo Courtesy of Ang Bagong Dingalan)

 

This website uses cookies.