(Eagle News) — Hinimok ng Haribon Foundation ang Duterte administration na huwag ituloy ang paglagda sa loan deal para sa bagong centennial water source, ang Kaliwa Dam project.
Ayon kay Haribon Chief Operating Officer Maria Belinda De La Paz, mayroon itong negatibong epekto sa kalikasan.
Ang pagtatayo anila sa multi-billion peso Kaliwa Dam Project ay hindi lamang magkakaroon ng mapaminsalang epekto sa buhay ng mga tao kundi maging sa tahanan ng libu-libong threatened wildlife species sa Sierra Madre mountain forests kabilang ang critically endangered Philippine eagle.
Dagdag pa ng Haribon, ang Kaliwa Watershed Forest Reserve kung saan itatayo ang Kaliwa Dam ay idineklarang forest reserve sa pamamagitan ng Proclamation No. 573 noong Hunyo 22, 1968.
At sa Proclamation No. 1636 anila na inilabas noong Abril 18, 1977 ay idineklara ang bahagi ng watershed bilang national park at wildlife sanctuary.