Bilang ng mga sugatan dahil sa paputok, umakyat na sa 55

(Eagle News) — Umakyat na sa 55 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa bisperas ng bagong taon.

Sa monitoring ng Department of Health (DOH), siyam ang panibagong kaso ng fireworks-related injuries.

Ang pinakahuling bilang ay naitala mula 6:00 ng umaga ng Disyembre 30 hanggang 6:00 ng umaga ng Disyembre 31, 2018.

Partikular ang firecracker-related injuries sa mga sumusunod na lugar:
• Region VI – 4 kaso
• Region VII – 1 kaso
• Region I – 1 kaso
• Region III – 1 kaso
• Region VIII – 1 kaso
• Region XII – 1 kaso

Ayon sa DOH, 50 porsyento pa rin itong mababa kumpara sa naitalang kaso sa kaparehong panahon noong 2017 at 75 porsyento itong mas mababa sa 5-year average period.

Sa 55 na fireworks-related injuries, 50 dito ay pawang lalaki na may edad 2 hanggang 69-anyos.

Ilan naman sa mga sangkot na paputok sa disgrasya ay ang mga sumusunod:

• Boga – 14
• Triangle – 6
• Kwitis – 6
• Piccolo – 3
• 5-star, baby rocket, bawang, camara, at luces – 2

Pinakamarami ang nabiktima ng boga at mayroon pa ring mga nasabugan ng ipinagbabawal na piccolo.

32 naman sa mga biktima ay nasabugan at nagtamo ng mga paso.

Lima naman ang kinailangang putulan ng daliri, 19 ang mayroong eye injury at dalawa ang nakalunok ng pulbura.

Related Post

This website uses cookies.