Bilang ng mga Pilipinong na nagsabing sila’y mahirap, bumaba—SWS

(Eagle News) — Bumaba ang porsyento ng mga Pilipinong nagsabing sila ay mahirap nitong fourth quarter ng 2016. Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nasa 44 % o sampung milyong pamilyang Pilipino ang nasabing sila ay mahirap na itinuturing na new record low annual average.

Ang quarterly self-poverty rate ay mas mababa sa 47 % na naitala noong 1987.

Isinagawa ang survey sa pagitan ng December 3 hanggang 6 sa isanglibo at limandaang (1,500) adults sa buong bansa.

Samantala, welcome naman sa Malacañang ang mababang self-rated poverty rate at sinabing ramdam na ng mga Pilipino ang pagbabagong ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Related Post

This website uses cookies.