Big-time oil price hike, posibleng ipatupad ngayong linggo

(Eagle News) — Nakaamba ang isang big-time oil price hike sa mga produktong petrolyo ngayong linggo, dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa world market.

Bukod pa ito sa ipatutupad na ikalawang bugso ng excise tax ng mga gasolinahang ubos na ang 2018 stocks.

Ayon sa oil industry sources, aabot sa Php 2.20 hanggang Php 2. 30 kada litro ang madaragdag sa presyo ng diesel.

Madaragdagan naman ng Php 1.40 hanggang Php 1.50 kada litro ang presyo ng gasolina, habang tataas ng Php 1.80 hanggang Php 1.90 sa kada litro ng kerosene o gaas.

Samantala, posibleng ipatupad na rin ng mas maraming gasolinahan ang ikalawang bugso ng excise tax sa petrolyo sa ilalim ng train law, kung saan may dagdag na Php 2.24 sa kada litro ang diesel at gasolina habang Php 1.12 sa kada litro ng gaas.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Related Post

This website uses cookies.