Bawas-presyo sa mga produktong petrolyo, asahan ngayong linggo

(Eagle News) — Magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa linggong ito.

Php 0.30 hanggang Php 0.60 sentimos kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina, habang Php 0.10 hanggang Php 0.20 sentimos sa kada litro sa presyo ng diesel at mula Php 0.30 hanggang Php 0.40 sentimos naman kada litro ang magiging bawas sa presyo ng kerosene.

Nitong nakalipas na mga linggo, umabot sa halos tatlong piso ang itinaas ng presyo ng gasolina habang one peso and seventy five centavos (Php 1.75) naman sa presyo ng diesel.

Nanawagan ang isang consumer group sa pamahalaan na pagpaliwanagin ang mga kumpanya ng langis dahil sa magkakasunod na oil price hike.

Related Post

This website uses cookies.