MANILA, Philippines (Eagle News) — Kinuwestyon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista ang pasya ng National Privacy Commission (NPC) na kasuhan siya dahil sa nangyaring data breach o hacking sa Comelec noong nakalipas na taon.
Naniniwala aniya siya na may “misappreciation of facts” ang NPC na kanilang pinagbatayan sa kanilang desisyon.
Nilinaw rin ni Bautista na marami ring pribadong IT company sa bansa at maging sa abroad ang nagkakaroon ng data breach o hacking sa kabila ng kanilang security measures.
Depensa pa ni Bautista, umaasa ang ahensya sa mga i-t expert para sa kanilang data security at wala siyang kasanayan o expertise ukol dito.
Sa halip ang kailangan aniya ay maparusahan ang mga nang-ha-hack at hindi ang na-hack.