Bagong P5 barya, tatanggapin ng train ticket vending machines sa March 2018

MANILA, Philippines (Eagle News) — Inaasahang sa March 2018 pa tatanggapin ng ticket vending machines sa mga istasyon ng tren ang bagong P5 barya na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Inabisuhan ng operator ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang publiko na i-double check ang kanilang barya upang iwas-abala dahil aayusin pa ang ticket vending machines.

Maaari namang bumili ng mga ticket at magpapapalit ng mga lumang barya sa station tellers.

Ang pagsasaayos ng vending machines ay isasagawa sa Germany at maaaring aabutin ng tatlong buwan bago mailagay ang updated na firm-ware ng mga bagong disensyo ng mga barya.

Related Post

This website uses cookies.