Bagong Gusali ng Ormoc City Crime Laboratory Office, pinasinayaan na

ORMOC City, Leyte (Eagle News). Pinangunahan ni Mayor Richard I. Gomez ang isinagawang pagpapasinaya o inauguration ceremony ng bagong gusali ng Ormoc City Crime Laboratory Office noong Huwebes, August 4, 2016 na matatagpuan sa Camp Downes, Ormoc City, Leyte.

Isa sa mga Panauhing Pandangal ng nasabing okasyon ay si Eastern Visayas (Region 8) PNP Director Chief Supt. Elmer Beltejar na siya ring nag-unveil ng marker ng gusali at nanguna sa Ribbon Cutting Ceremony.

Kinikilala ng Ormoc City PNP Chief na si Col. Ramil Ramirez na ang bagong gusali ng Crime Laboratory Office ng lunsod ng Ormoc ay isang napakalaking tulong sa lalong ikadadali ng paglutas ng anumang krimen sa lunsod.

(Eagle News Kimberly Urboda – Ormoc City Correspondent)

 

 

 

Related Post

This website uses cookies.