Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa San Nicolas, Pangasinan pinasinayaan

Matagumpay na pinasinayaan ang isang bagong tayong barangay chapel  ng Iglesia ni Cristo(INC) sa Brgy. San Roque, San Nicolas, Pangasinan na pinangunahan ng Supervising Minister na si Brother Nelson H. Mañebog.

Ang kapilya ng barangay San Roque ay may apat na kilometro ang layo mula sa kapilya ng bayan ng San Nicolas.

Ayon sa mga residente sa lugar na ito, masayang-masaya sila dahil nagkaroon  sila ng bukod na mapagsasambahan na malapit lang sa kanilang tirahan.

Nangangako naman sila na kanilang aalagaan at pahahalagahan ang kapilyang ipinagkaloob sa kanila.

Ang nasabing kapilya ay may seating capacity na 98.

(Eagle News Correspondent, San Nicolas, Pangasinan Juvy Barraca,  Jem Miranda)

Related Post

This website uses cookies.