Arrest warrant inilabas na para kay Matobato

DAVAO CITY (Eagle News) – Nagpalabas na ng Warrant of Arrest si Judge Silverio Mandalupe sa Davao City laban kay self-confessed member ng Davao Death Squad (DDS) na si Edgar Matobato.

Hindi rin sumipot si Matobato sa itinakdang arraignment nitong Martes, October 4, 2016 sa Municipal Trial Court in Cities (MTCC) – Branch 3, sa sala ni Judge Silverio Mandalupe sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition. Hindi rin sumipot ang abogado nitong si Atty. Gregorio Andolana.

Matatandaan batay sa records ng korte, maraming beses na umanong hindi natuloy ang schedule ng hearing nito dahil hindi ito sumipot at hindi na rin matunton kung saan nagtatago

Nagpalabas na ng warrant of arrest ang korte laban kay Matobato at ipapa-walang na bisa rin ang kaniyang bail-bond.

Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City

Related Post

This website uses cookies.