Army official sugatan sa pagsabog ng bomba

TUBURAN, Basilan (Eagle News) – Isa na namang pagpasabog ng bomba ang naganap nito lamang Sabado, Pebrero 4 sa Sitio Sawiti, Barangay Calut, Tuburan, Basilan. Nangyari ang insidente bandang 2:45 ng hapon kung saan ay sugatan si CPL. Christian S. Ibarreta, miyembro ng 3rd Scout Ranger Battalion ng Philippine Army at kasama nitong driver na si Misuari Jamiri.

Napinsala rin ang service vehicle ni Tuburan Mayor Durie Kallahal. Hindi pa nakikilala ang mga suspek at hindi pa rin tukoy ng awtoridad ang motibo ng mga ito. Kasalukuyan pang isinasagawa ang imbestigasyon ng Tuburan Municipal Police Station sa nangyaring insidente.

Jun Cronico – EBC Correspondent, Basilan

Related Post

This website uses cookies.